Pag-aaruga ng Nag-Iisang Kalinga

·•·

“Mamuhay ng payak at nag iisa.

Pagmulat… pagpikit, sarili  ang nakikita.”

·•·

_________________________________________________________________

Ang aming lugar ay tahimik, payak ngunit hindi lehitimong amin. Dahil nakiki-“tira” lamang ang mga tao dito, dikit-dikit, masikip at maliliit na bahay ang makikita. 

Ano mang oras ay pupwede kaming paalisin sa isang utos lamang ng nakatataas, kaya naman ay pilit na nakikipagsapalaran ang mga tao upang pumanig ang suwerte at kakaunting oras sa sugal ng buhay.

Oktubre 22, 2016, Sabado ko nakilala ang isang matandang dalaga. Mag-isa ngunit kita sa mga mata ang tuwa sa aming pagkatagpo.

img_9308

1/13 sec. f/4 20 mm ISO 800

Siya si Nay Belen Mampinayo, animnapu’t apat (64) na taong gulang at mag isang naninirahan sa loob ng mahigit trentang (30) taon, simula nang magtrabaho siya dito sa Maynila.

img_9315

1/10 sec. f/5.6 55mm ISO 800

img_9313

1/13 sec. f/5 37mm ISO 800

_________________________________________________________________

Sa maliit at masikip na lugar na ito siya nakatira. Makitid man ang lugar ay komportable naman siyang naninirahan dito.

Buhat ng pag-iisa, nagkaroon si Nanay Belen ng bisyo sa sigarilyo at pagjue-jueteng na siya ring naging pinagkakakitaan niya noon.

_________________________________________________________________

·•·

“Ngunit sa kabila ng pag-iisa,

pangangalaga’t pag aaruga’y ipinadama.”

·•·

Sa kabila ng edad at pag-iisa, siya’y nagsumikap na buhayin ang sarili sa pagtatrabaho bilang isang tagapangalaga ng isang maliit na dormitoryo.

“Nay” ang tawag sa kanya ng mga “anak-anakan” o mga naninirahan dito. Nakita ko kung paano niya pinahahalagahan ang kalinisan sa dormitoryo. Maaliwalas at tahimik ang lugar.

img_9345

1/125 sec. f/5 46mm ISO 200

img_9487

1/30 sec. f/5.6 55mm ISO 200

img_9378

1/100 sec. f/4 21mm ISO 800

img_9382

1/100 sec. f/5 46mm ISO 800

img_9360

1/125 sec. f/5 38mm ISO 800

img_9372

1/100 sec. f/4 29mm ISO 800

img_9435

1/50 sec. f/5 38mm ISO 800

Paglilinis ang kanyang pangunahing prayoridad sa pang-araw araw na pagtatrabaho.

img_9347

1/125 sec. f/4 31mm ISO 800

_________________________________________________________________

Mayroon din siyang mga alagang itik na inaalagaan niya sa dormitoryo. 

img_9351

1/100 sec. f/5 18mm ISO 800

img_9348

1/100 sec. f/5 44mm ISO 800

img_9352

1/160 sec. f/4 27mm ISO 800

Araw-araw na paglilinis at pag aalaga ng mga halaman pati narin ang pagtatabas nito ang karaniwan sa kanyang  gawain.

Sa sabado naman ay tumatanggap din siya ng mga labada at pahinga naman sa hapon dahil sa tambak ang mga labada na binibigay sa kaniya.

img_9622

1/40 sec. f/5.6 55mm ISO 200

img_9624

1/25 sec. f/5.6 55mm ISO 200

Sa kabila ng lahat ng pagod at pag-iisa, marami naman din siyang kaagapay at katuwang sa buhay na katulad ng kanyang pinagdadaanan na siyang nagbibigay lakas at inspirasyon sa kanya upang harapin pa ang bukas.

img_9489

1/10 sec. f/5.6 50mm ISO 800

img_9551

1/50 sec. f/5.6 55mm ISO 200

Simpleng buhay at masayang kapaligiran lamang ang masasabi kong yamang kaagapay niya sa pakikipagsapalaran sa mga araw-araw na pagsubok.

_________________________________________________________________

·•·

“Mamuhay ng payak at nag iisa.

Ngayo’y ako’y babangon na.”

·•·

img_9597

1/30 sec. f/5 45mm ISO 200

Si Nay Belen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s